A Slow Rhythm of Life Inside Me…

That Blessing

 

The blessing of our love growing inside me every single day…

The miracle of life..

The sovereign from heaven..

The fruit of our love…

Our angel…

Advertisements

Huling Mensahe..

Image

Tama..

Isa ka na lamang alaala.. Parte ng nakalipas.. Tauhan sa mga larawang kupas.. Pangalan na maaring balikan sa balintataw.. Bahagi ng nakaraan na hindi na lilingunin sa bawat pag usad ng araw..

Salamat sa dati mong pagsinta sa kanya.. Sa patuloy mong pag alaala.. Ngunit nawa ay iyong matanto.. Hindi na iyo ang kanyang puso.. Marahil nga ay ikaw ang dapit hapon..Ngunit ako ang bukang liwayway ng panibagong panahon.. Ikaw ang nakalipas.. Ako ang kanyang bukas..

Sa linsad ng iyong mga alaala,maunawaan mo sanang lahat ng lansangan ninyo’y nakalipas na.. At sa bagong landas,kahawak niya ng kamay ay ako na..