Sa Saliw Ng Aming Pag-ibig..

(Kinatha noong ika-26 ng Marso Taong 2014)

Image

1 taon.. 365 na araw.. 8760 na oras.. 525 600 na minuto.. 31 536 000 na segundo…


Parang ang haba habang panahon, pero para sa akin, parang kahapon lang nagyari lahat.. 

14 years ago sinisilip lang kita sa kabilang section, ninanakawan ng sulyap tuwing flag ceremony o kaya sinsundan ng tingin habang pasakay ka ng service mo tuwing uwian.. Tapos the following year, grade 5 tayo, naging kaklase na kita.. Tabi pa tayo kasi alphabetical daw yung sitting arrangement sabi ni Ma’am Ofngol.. Kaso ang daldal nila Jelah,Yvette at Michelle tapos ang ingay pa ni Edgar.. Saka in fairness halata din naman sa kin.. Nalaman mo tuloy na crush kita.. At dahil sa walang hanggang pang aasar ni Vida, nailang ka yata.. Ang suplado mo na sa kin.. One time nalaglag pa yung pencil case kong Kazaam sa tabi mo, tinitigan mo lang ako habang dinadampot ko yung mga ballpen ko.. Sige na nga, para hindi halata, kunwari hindi na kita crush.. Pag suplado ka,tinatarayan kita.. Pero pag hindi ka nakatingin crush pa din kita! Hahaha! Baliw lang di ba?

Enrollment ng grade 6, tinignan ko pa yung listahan ng pangalan sa labas ng pinto.. Yehey!! Kaklase pa din kita! Balik baliw baliwan mode ako pagdating sayo.. Kunwari may ibang crush para hindi halata na patay na patay sayo.. Hahaha.. Nauso yung slumbook.. Bumili din ako kahit nganga yung baon ko.. Sabi ko kay Michelle, pasagutin ka sa slumbook ko,kunwari kanya yun.. Todo antay ako na matapos ka.. Tapos pagbalik nung slumbook, nilipat ko agad sa second page.. Who’s your crush?..

Ay  Sabi ko na nga ba may crush kang iba.. Hindi ko na maalala (or ayoko talagang maalala) Sino nga ba? Si Emily, si April, si Nessy, si Gladly o si Pearl? Ay oo, si Jenny  Aray.. Kaya pala ang bait mo sa kanya.. Sus, yaan mo na nga.. Basta crush pa din kita.. Kahit iba yung crush mo.. Hindi mo pa naman siya liligawan diba?

Mid year, nasali tayo sa Journalism, sa school paper natin, Ilayan’s Update.. Feature Editor ako, Cartoonist ka.. Tapos may competition against ibang school kaya after class may balik tayo.. Practice practice kasama si Ma’am Presbitero at Kuya Anthony.. Yehey! Mas madameng time na masilayan ka.. Kahit nakatingin ka sa iba.. Nung araw ng division competition, sa ERES pa yata yun, isang malalang sulyap muna sayo para sa inspirasyon.. Kaya nung awarding sa MES, first ako! Nakita ko nung nasa stage ako,pumalakpak ka! Kahit pa dahil lang sa galing tayo sa parehong school, kinilig pa din ako! Hehe! Tapos Cartooning category na.. Aaaayyy! Pang 8th ka.. Sayang! Hindi ka na kasama sa regional! Pero para sa kin, the best ka pa ding magdrawing.. Promise!

Graduation na.. Dapat masaya ako kasi honor tayo pareho.. Kaso hindi eh, kasi hindi na kita makikita.. Sa Pateros kasi ko maghihighschool.. Tapos ikaw pumasa sa MandSci pero mas gusto mo yata sa RTU..  Kaya kahit nahihiya ako, sabi ko papicture tayo.. Last na naman eh.. 

Siguro nga hindi pa panahon.. Meron naman sigurong tamang panahon.. Sana.. Asa..

2009, nakita ko sa friendster may girlfriend ka na.. Ngiti na lang ako.. Para ka siguro talaga sa iba..

2010, nauso si facebook.. Out of curiosity hinahanap at in add kita.. Pag accept mo, nagulat ako kasi nag message ka.. Tinatanong mo kung san ako nagtatatrabaho.. Sabi ko sa Tordesillas sa Makati.. Sabi mo malapit lang sa office mo.. Sa Startek Makati ka kc.. Kakapromote mo lang as QA.. ‘Ui talaga?? Congrats! ‘ sabi ko pa.. Sabi mo coffee tayo minsan.. At syempre oo naman ako agad.. Kaso hindi naman natuloy tuloy, kasi nga nasa call center industry na tayo kaya abnormal at laging saliwa yung schedule natin.. Kaya olats na naman..

2012, nag upload ka ng profile pic na ng gigitara ka.. Haaaaaayyy! Ang hot mo na lalo! Sabi ko tuloy sa comment ko, wala.ka pa ding kupas Papa Si. Hahaha!

December 1,2012, reunion natin! Sigurado akong pupunta ka kasi magpperform yung banda nyo! Pag pasok ko pa lang ng school natin napangiti na ako, nakita ko yung stage.. Mababa dati yun pero medyo tumaas na ngayon, naalala ko nung naging Mr.Valentines ka.. Nung mga panahong nag iiyak ako kasi hindi ako maganda kaya hindi ako pwedeng maging Miss Valentines.. Hahaha.. Those were the days..

Maya maya pa nakita na kita.. Aysus! Ang pogi mo pa din! Hanggang tenga talaga yung smile ko nung kinamusta mo ko.. Tapos tumugtog na kayo.. Nahulog yata yung puso ko.. Lalo na nung Rolling in the deep na, susme! Ang galing galing mong tumugtog! Elibs nga din sina Daryl at Vida!

Pagkatapos nung reunion, napag usapan na pupunta kina Pearl, mag iinuman daw.. Kaso kamalas malasan, dumating yung classmate mo nung highschool, si Vance.. Sinusundo ka.. Iinom din daw kayo.. Ayan tuloy hindi ka nakasama sa min! 

December 30,2012 Sa wakas natuloy na din yung gimmick natin.. Effort kung effort ako.. Galing pa ko ng Batangas pero pinilit ko p ding humabol.. Kasama si Edgar,Joy at Vida.. Nagpunta tayo ng Central.. Inuman, kwentuhan, tawanan.. Tapos may bumati sayo.. Nandon din pala yung mga classmates mo nung highschool.. Pinakilala mo pa ko sa isa sa kanila.. Feeling ko tuloy pinamigay mo ko sa iba.. Ayan tuloy wala na naman tayong chance na dalawa..

March 22 2013, nagyaya ka ulit ng inuman.. Sabi mo pa sa bahay nyo na lang.. Kinilig naman ako agad agad kasi feeling ko gusto mo ulit akong makita.. Hopia di ba?? Hahaha..

Umuulan nun kaya sinundo mo pa ko sa Mcdo Estrata.. Pagsakay sa kotse mo, kinikilig ako na nahihiya kaya pati pagsseatbelt nalimutan ko kung pano.. Tapos sa bahay nyo, tatlo lang tayo.. Si Edgar, ikaw at ako.. Haaay salamat may chance na din akong maka score sayo!! Kaya todo pa cute ako sayo.. Hindi naman ako nasawi.. Dinate mo pa nga ako kinabukasan sa Tokyo Tokyo.. Kaya pag uwi ko, all smiles ako.. Kasi sa wakas, baka magkaroon na ng tayo!

Kaso pag check ko ng facebook mo nung gabi, may nag tag na babae sayo.. Nagdinner daw kayo.. Ay ganon? Ako sa lunch, iba sa dinner?! Kahit pa sinabi mo last night na may dndate kang officemate mo, nasaktan pa din ako.. Feeling ko pinalaklak ako ng isang toneladang reyalidad!! Kaya kahit malala tama ko sayo, tatanggapin ko na lang na baka hindi talaga magiging tayo..

March 26,2013 After 3 days hindi rin naman ako nakatiis.. Nagtxt ako ng goodmorning sayo.. Diskarteng timang noh??  Nagreply ka naman.. Unti unti napag usapan natin yung nangyari nung linggo.. Saka medyo umamin akong nagseselos ko.. Tapos sabi mo, ititigil mong idate sya kung sasabihin kong mahal kita kasi mahal mo na ko.. Aguy! Sabi sayo, nablangko hindi lang utak ko,pati buong pagkatao ko.. Ini screen shot ko pa yung message mo kasi baka hindi totoo.. Inulit ulit kong basahin bago ko nag reply.. Malalang I love you too.. Malalalang malala talaga.. Inipon ko ba naman yun ng 13 years eh.. Hahaha!

Last year pa yan.. Pero hanggang ngayon kinikilig pa rin ako.. Dame ng nangyari.. Nag away tayo, nag walk out ako,hinabol mo
ko.. Nagbati tayo.. Nag away ulit.. Nag away pa lalo.. Tapos nagbati ulit na ubod ng sweet..Nagselos ako, nagselos ka.. Nagtampo ako.. Umiyak ka.. Pero through it all eto pa din tayo.. Ayokong sabihing sobrang tatag natin kasi OA naman un.. Pero alam kong may sarili tayong pundasyon.. Kaya gusto kong malaman mo na simula nung unang date natin sa Magnolia, hanggang ngayong meron na tayong Cloud Urijah, walang nagbabago sa nararamdaman ko sayo.. Kung meron man, eh lalong lumalala.. Sabi ko nga sayo, I still fall for you everyday.. Thank you din kasi kahit kasing taas ng flag pole ung insecurities ko, you never fail to show me that there’s nothing to worry about.. Everytime you assure me, nararamdaman ko how much you love me.. Salamat kasi lahat ng excess baggage ko tinanggap mo.. At higit sa lahat salamat kasi minahal mo yung mga anak ko na parang tunay mo din silang anak.. Kahit may Urijah na tayo, pantay pa din yung tingin mo kay Raven at Kendra.. Thank you sa araw araw mong pagpapaalala kung gaano mo kami kamahal ng mga bata.. Thank you for giving me my own fairytale and for proving that there is something after a happily ever after.. Thank you for this past year.. It is the best one I had so far..

Sana po hindi ka magsawa sa kamoretan ko.. Kasi ako I’m sure na hinding hindi na kita papakawalan..Paulit ulit akong magpapasalamat na naging akin ka.. Siguro sa kabila ng mga kapalpakan ko, may nakitang mabuti sa akin si God, kaya binigay ka niya sa akin.. You are sooooo worth the wait.. At kahit matatanda na tayo, I know for sure na kikiligin pa rin ako sa love story natin.. And I assure you paulit ulit ko tong ikkwento sa mga anak natin at sa lahat ng willing makinig.. And i will always narrate this with the same love, awe and intensity.. Kulang lahat ng words (both english and tagalog) para masabi ko sayo how much you mean to me.. Pero sige I’ll settle for I love you..I love you Babe, Baby, King, Bikoy, Didi.. Like what I’ve always said.. I will love you till forever is gone.. Happy 1st Anniversary to us!

Advertisements