Dahil Sayo

kame90th

Dahil sayo, natuto akong magDead Target, Heroes Evolved at Moba.
Dahil sayo, may kaagaw na ako sa kumot, unan at kama.
Dahil sayo, yung dati kong isang jumbo rice, ngaun kalahati na.
Dahil sayo, najogging ko yung buong Makati Park ng bongganga bongga.
Dahil sayo, yung dadalawang crunches at sit ups ko naging pitumpu’t lima.
Dahil sayo, daming haters, yung mga taga taas na feelingera.
Dahil sayo, yung kalat sa buong kwarto ko aba’y IMBA!

Pero…

Dahil sayo, hindi ako gaanong umiyak nung libing ni Papa.
Dahil sayo, si Chukoy may additional tagakarga.
Dahil sayo, may kadebate ako sa assignments ko kahit madalas monggoloid ka.
Dahil sayo, hindi na ko madalas maimbyerna.
Dahil sayo, nakakapagvent out na ko ng walang mema.
Dahil sayo, nakakangawa na ko kahit mukha akong gaga.
Dahil sayo, hindi ko na sinasarili lahat ng problema.
Dahil sayo, natuto akong muling magtiwala.
Dahil sayo, may nagsasabi na sa akin ng psst oy mahal kita.
Dahil sayo, natuto ulit akong maging masaya.

Kaya Yummy kahit alien ka, mahal kita talaga!

Happy 90th day!

Advertisements