A little Perhaps, a lot of Buts.

Image may contain: 2 people, people smiling, people standing, ocean, sky, mountain, outdoor and nature

Perhaps, I will never see my name flashing in those bright lights,
But the way you utter my name with all those silly noises you make, sounds about right.

Perhaps the generations to come won’t recognize who I am or who I was,
But it is enough for me to know that you uncover the real me
behind my mask.

Perhaps the wolf won’t long for me just as he howls for the moon,
But the way you stare at me lingers like I’m a part of a long lost tune.

Perhaps no poet will write a sonnet for thee,
But the way you love me feels like a ballad already.

Perhaps we will never be Bonnie and Clyde,
But who the hell cares, when I have you by my side?

Perhaps the people will say that we are only temporary,
But I say, what matters is, I found YOU in the midst of all things transitory.

Perhaps we are merely a chapter in your story,
But believe me, in mine, you’re the best I ever get to see.

Happy 5th Yummy. 😘😘😘

#PongandJoy #JustUs #TeamYummy

Marka, Karma

Isa, Dalawa, Tatlo
Batid mo bang bilog ang mundo
Kahapon nakita ko,
Lahat ng taong tinapakan mo.
Kudlit ng ngiti’y sumilay sa labi ko
Pagkat pumapailanlang na ang saliw ng karma mo.

Apat, Lima, Anim
Pagkabunyag ng budhi mong kay itim
Bawat panig ng mundo’y sadyang narimarim
Masdan mo ang kinabukasan mong naninimdim
Ngayo’y mararanasan mong maiwan sa dilim
Tignan natin kung hanggang saan ang iyong maatim

Pito, Walo, Siyam
Oh, anong sarap sa pakiramdam
Ang makita kong pighati ang iyong katalamitam
Kamakailan lamang ay wala kang pakialam,
Akala mo luwalhati mo’y di na magpaparam
Yun naman palang karma mo’y saglit lang nabalam

Sampu
Ano’t ikaw ngayon ay nanlulumo?
Hindi ba’t binalaan na kita na sa bawat bugso
Ng pagiging bulaan mo at iyong pagkatuso
Hagupit ng mundo ang gaganti sa iyo
Patawarin mo ang simbuyo ng damdamin ko
Ngunit ikinagagalak kong pagdurusang iyong natatamo.

Ngipin sa ngipin, mata sa mata
Namnamin mo ang bagsik ng marka ni KARMA.

 

written last December 28, 2016, a Wednesday